Ang halaga ng mga buwis na binawasan mula sa iyong mga tseke ay nakadepende sa ilang salik, tulad ng kabuuang suweldo, katayuan sa pag-file (may asawa o walang asawa), bilang ng mga allowance na inaangkin at mga uri ng mga bawas. Kung naniniwala kang hindi tama ang halaga ng mga buwis na binawasan mula sa iyong mga tseke, maaari kang makipag-ugnayan sa isang propesyonal na tagapayo sa buwis upang matukoy kung anong katayuan sa pag-file ang pinakamainam para sa iyo. Iba-iba ang sitwasyon ng bawat isa, at hindi kami maaaring magbigay ng payo tungkol sa iyong katayuan sa pag-file ng buwis. Kung kailangan mong baguhin ang iyong katayuan sa pag-file para sa susunod na taon, mangyaring magsumite ng isang bagong W-4 sa CDCN.